MANILA, Philippines - Nagdeklara ng all-out support si world boxing champion at Time magazine cover Manny Pacquiao para sa pangulo ng Nacionalista Party at standard bearer na si Senador Manny Villar.
Pinanumpa ni Villar si Pacquiao, kandidatong kongresman sa Saranggani, pati ang kanyang lokal na partidong People’s Champ Movement, sa mansion ng boxing icon sa General Santos sa kanyang ika-31 kaarawan sa KCC Events and Convention Center na dinaluhan ng 2,000 panauhin kabilang si Villar.
“Manny Pacquiao, who has thrown his best punches to hoist our country’s pride and honor, is a deeply valued partner in our campaign to help keep our people from being knocked out by extreme hardships,” pahayag ni Villar na isinilang na mahirap sa Tondo.
Binigyang-diin din ni Pacquiao ang pinanggalingan niyang hirap tulad ni Villar: “Talagang nanggaling siya (Villar) sa hirap, at kung tutuusin, galing din ako sa hirap gaya niya. Siya ang karapat-dapat suportahan dahil alam niya ang dam damin ng mga mahihirap. Ito ay pabor sa atin, ang damdamin ng mahihirap, alam niya ‘yan.”
Kasabay na nanumpa sa partido ni Villar ang gubernatotial running mate ni Pacquiao na si Juan Domino at vice gubernatorial na bagong retiradong provincial administrator na si Fred Basino, kasama ang dalawang board members at pitong mayors ng Saranggani.
Nanumpa rin kay Villar ang abogado ni Pacquiao na si Franklin Gacal, kandidato sa pagkakongresista sa unang distrito ng South Cotabato.
Kasama ni Villar na pumunta sa kaarawan ni Pacquiao ang kanyang senatoriable na si Bongbong Marcos ng Ilocos Norte.
Sa kanyang pagsalita sa kanyang kaarawan, ipinakilala ni Pacquiao si Villar bilang “the upcoming president” ng Pilipinas. Tapos hiniling niya sa NP standard bearer na siyang bumunot para sa winner ng brand-new car na pina-raffle ng no. 1 pound-for-pound boxer sa mundo.
Si Pacquiao ang kauna-unahang boksingero sa mundo na nagkaroon ng pitong titulo sa pitong magkakaibang dibisyon, pagkatapos ng kanyang panalo (12th round TKO) kay Miguel Cotto sa Las Vegas noong Nob. 14.
Kahanay na siya ngayon ng mga sports superstars na sina Michael Phelps, Sere na at Venus Williams, Michael Jordan atTiger Woods na naging cover ng worldwide na TIME magazine.
Samantala, hindi naman sumama ang loob ni Pa ngulong Arroyo sa pagtalikod ni Pacquiao sa administrasyon matapos manumpa ito bilang miyembro ng Nacionalista Party ni Sen. Villar.
Sinabi ni Deputy Presidential Spokesman Gary Olivar sa media briefing sa Malacañang, dalangin ng Palasyo na magtagumpay si Pacquiao sa pagsabak nito sa pulitika.(Butch Quejada/RudyAndal//Malou Escudero)