^

Bansa

Mediaman Fundy Soriano, nominee ng Ahon Pinoy Partylist

-

MANILA, Philippines - “Karamihan sa mga party list representatives ay abala sa paghahasik sa kultura ng galit sa admin kaya napababayaan nila ang tapat na paglilingkod sa mga mahihirap,” ito ang ipinahayag ni mediaman Fundy Soriano kamakailan.

Dahil nga sa pagkuku­lang ng ibang party list kung kaya pumayag si Soriano, isinilang sa Bo­linao, Pan­gasinan, lumaki sa Quezon City at nani­nirahan ngayon sa Las Piñas City, na tang­gapin ang alok ng Ahon Pinoy party list na maging No. 5 nominee. No. 1 nominee si media­man Dante Francis Ang II.

Kakambal na ni Kuya Fundy ang public service sapagka’t ang kanilang “Kahapon Lamang” ni Eddie Ilarde sa ABS-CBN DZXL, ang nagsimula ng panawagan sa radyo ng mga kamag-anak na naghahanap sa kanilang nawawalang mahal sa buhay noong late 50s.

Bilang managing editor ng “People’s Tonight International” noong early 20s, nagsagawa ng fund raising campaign si Soriano, nakalikom siya ng halos isang milyong piso na ginamit na blood money o “diya” ng Saudi Arabia OFW na si Primo Gasmen ng Pangasinan na pinag­bintangang pinatay ang kanyang kapwa overseas worker na Nepali.

AHON PINOY

DANTE FRANCIS ANG

EDDIE ILARDE

FUNDY SORIANO

KAHAPON LAMANG

KUYA FUNDY

LAS PI

PRIMO GASMEN

QUEZON CITY

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with