^

Bansa

Immigration NCR-South regional office binuksan na

-

MANILA, Philippines -  Pormal nang binuksan ng Bureau of Immigration (BI) ang immigration area office (IAO) nito sa katimugang Metro Manila bilang bahagi ng decentralization at regionali­zation programs ng ahensiya.

Kasama ni Immigration Commissioner Nonoy Liba­nan si Parañaque City Mayor Florencio Bernabe at iba pang opisyal at empleyado ng BI sa pagsaksi sa blessing­ at inagurasyon ng bagong BI office sa loob ng Neo Chinatown Mall sa Bradco Avenue sa kanto ng Diosdado Macapagal Avenue malapit ng SM Mall of Asia.

Inilarawan ni Libanan ang pagbubukas ng bagong BI office bilang isang malaking hakbang sa hangarin ng ahensiya na i-decentralize ang operasyon nito at dalhin ang serbisyo sa taumbayan at bawasan ang dami ng transaksiyon sa main office nito.

Noong Agosto, binuksan ng BI ang Parañaque satellite office sa pareho ring gusali upang paglingkuran ang mga nangangailangan ng visa at iba pang immigration requirements ng daan-daang Turistang Tsino na namimili sa nasabing mall sa araw-araw. (Butch Quejada)

BRADCO AVENUE

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CITY MAYOR FLORENCIO BERNABE

DIOSDADO MACAPAGAL AVENUE

IMMIGRATION COMMISSIONER NONOY LIBA

MALL OF ASIA

METRO MANILA

NEO CHINATOWN MALL

NOONG AGOSTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with