'No president' scenario inilutang

MANILA, Philippines - Pinangangambahan ngayon ng grupo ni IT businessman Joey de Venecia III ang “no president” scenario bunsod ng posi­bilidad ng pagdedek­lara ng “failure of national election” dahil sa pagiging igno­rante sa compute­ri­za­tion na ga­gamitin sa 2010 election.

Ayon kay de Venecia, senatorial bet ng Pwersa ng Masa, hindi handa ang Commission on Election sa pagpa­patu­ pad ng automated election dahil sa kakulangan ng mga eks­perto dito at hindi ka­han­daan ng mga maki­nang ga­gamitin dito kung saan wala din gina­ga­wang trial run.

Iginiit nito na 61% ng mga Filipino ang hndi ma­runong sa poll automation na maaaring maging sanhi ng failure of election.

Maaari din aniyang ang mga nanalo lang sa congressional, mayoral at gubernatorial ang maaaring maideklara kung saan kabi­lang si Pangulong Gloria Ma­ca­pagal-Arroyo sa ma­kauupo bilang congresswoman ng 2nd district ng Pampanga at makuha ang hinahangad na Speaker of the House. (Butch Quejada)

Show comments