Judge sa Ampatuan pinagre-resign
MANILA, Philippines - Pinagre-resign ni Senator Richard “Dick” Gordon ang Quezon City judge na tumangging kunin ang kaso ng pangunahing suspek sa Maguindanao massacre na si Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr.
Ayon kay Gordon, trabaho ng judge na natokahan ng kaso na gawin ang trabaho nito at hindi dapat magpakita ng takot sa mga Ampatuan na sinisisi sa pagmasaker ng 57 katao noong Nobyembre 23.
Hindi aniya dapat umaangal ang mga judges kung may nara-raffle na kontrobersiyal na kaso sa kanilang sala.
Idinagdag ni Gordon na dapat ipaglaban ng lahat ang prinsipyo na hindi dapat manalo ang masama laban sa kabutihan.
Sinabi ni Gordon na nakakahiya ang ginawang pagtanggi ni QC Judge Luisito Cortez ng Branch 84 para hawakan ang kaso ng Maguindanao massacre.
Sinermunan pa ni Gordon si Cortez na huwag tumanggap ng puwesto sa hudikatura kung hindi kayang gampanan ang tungkulin at paiiralin ang kaduwagan nito. (Malou Escudero)
- Latest
- Trending