^

Bansa

ASG leader arestado ng NBI

-

MANILA, Philippines - Isang mataas na opis­yal ng bandidong Abu Sayaff Group na nahuli at ipinata­ pon ng Indonesian government para huma­rap sa mga patong-pa­tong na kaso nito sa Pi­lipinas ka­bilang ang pag­dukot sa mag-asawang Grace at Martin Burnham noong Mayo 2001 sa Min­da­nao ang dumating ka­hapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sakay ng Philippine Airlines flight PR-536.

Si Baser Sulaiman La­tip, alyas Rahim Malik Su­waib ay iniskortan pabalik sa Pilipinas nina Jose de Guz­man ng Philippine­ Consulate sa Ja­karta, Indonesia at Police Supt. Roel de Leon.

Si Latip ay nakaposas ng i-turnover sa pag-iingat ng Bureau of Immigration ng dumating ito sa pali­paran. 

Gayunman, si Latip ay mabilis na dinala ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Sa ulat naman ni Regional Director Ricardo Diaz, hepe ng NBI Coun­ter Terrorism Unit, isa uma­nong pugante sa Estados Unidos si Latip, na may patong sa ulo na $1.5 mil­yon.

Umamin umano ang nasabing ASG member na malapit na kaibigan niya si Janjalani at guma­gamit siya ng ibang pa­ngalan dahil alam niya na may reward ang pag­dakip sa kaniya at nasa talaan siya ng Interpol subalit itinanggi niya na may ki­nalaman siya sa pag­dukot kay Charles M. Wal­ton, isang missionary linguist sa isla ng Pangu­taran, Sulu. (Butch Que­jada/Ludy Bermudo)

ABU SAYAFF GROUP

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUE

CHARLES M

ESTADOS UNIDOS

LATIP

LUDY BERMUDO

MARTIN BURNHAM

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with