^

Bansa

8 presidential bets lang sa 2010 polls

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Walong kandidato lang sa pagkapangulo ang pi­nayagan ng Commission on Election na lumahok sa 2010 national election.

Ayon kay Comelec Chairman Jose Melo, mula sa 99 bilang ng mga kan­didatong naghain ng ka­nilang certificate of candidacy, tanging sina Sen. Benigno

“Noynoy” Aquino III ng Liberal Party, Olongapo City councilor JC de los Reyes ng Ang Kapatiran, dating pangulong Joseph “Erap” Estrada ng UNO-PMP, Sen.

Richard Gordon ng Ba­ gumbayan, Sen. Jamby Ma­drigal na tatakbong independiyente, dating Defense Secretary Gilbert Teodoro ng Lakas-Kampi-CMD, Jesus Is Lord (JIL) leader Bro. Eddie Villa­nueva ng Bangon Pilipinas at Sen. Manny Villar ng Nacionalista Party ang pinayagan na lumahok sa 2010 presidential election.

Walong aspirante din sa pagkabise-presidente ang pinayagan ng Come­lec mula naman sa 20 kandi­datong nagsumite din ng CoC na kinabibilangan nina

Sen. Mar Roxas ng Liberal Party, Makati Mayor Jejomar Binay ng UNO-PMP, dating Metropolitan Manila Development Authority chairman Bayani Fernando ng Bagumba­yan, Sen. Loren Legarda ng Na­cionalista Party, Edu Man­zano ng Lakas-Kampi-CMD, ang broadcaster na si Jay Sonza ng Kilusang Bagong Lipunan, dating Securities and Exchange Commission chief Perfecto Ya­say ng Bangon Pilipinas at Dominador Chipeco Jr. ng Ang Kapa­tiran.

Sa 158 na naghain ng kandidatura para sa pag­ka-senador ay 58 lamang ang pinayagang makatak­bo sa 2010 senatorial race. Sa susunod na linggo naman ihahayag ng Co­me­lec ang mga kuwalipi­kadong party list groups.

Tiniyak din ni Melo na agad reresolbahin ng Come­lec ang mga petition for disqualification bago tuluyang ipa-imprenta sa Enero ang mga balota na gagamitin sa automated election.

Unang sinabi ni Melo na bibigyan ng tatlong araw ang mga idineklarang “nuisance” candidate na mag­­hain ng kanilang apela sa Comelec.

ANG KAPA

ANG KAPATIRAN

BANGON PILIPINAS

BAYANI FERNANDO

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEODORO

DOMINADOR CHIPECO JR.

EDDIE VILLA

LIBERAL PARTY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with