'Disiplina ang solusyon' - BF
MANILA, Philippines - Kung susumahin, simple lang ang kasagutan sa problema ng peace and order sa Mindanao: Batas at disiplina.
Ito ang tinuran ni da-ting Metro Manila Deve-lopment Authority Chairman at ngayon ay vice presidentiable Bayani Fernando sa isang panayam.
Sinabi ni Fernando na napakayaman sana ng Mindanao sa natural resources pero dahil sa kaguluhan na hinahasik ng ilang mga grupo doon ay laganap ngayon ang kahirapan doon.
“Ang militar ay importante ang papel na gagampanan sa pag-sesecure sa mga lalawigan sa Mindanao, upang pairalin ang batas nang hindi naman isinasailalim sa Martial Law, ang presensiya lamang ng militar ay sapat na para makadaloy nang normal ang development sa mga areas dito,” sabi pa niya. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending