BF suportado ng milyong tambay

MANILA, Philippines - Pormal na nagpahayag ng suporta kay Bayani Fernando ang grupong Tao Muna At Bayan (A TAMBAY) Partylist na kumakatawan sa milyon-milyong walang trabaho, mga underemployed at overseas contract worker sa loob at labas ng bansa.

Ang A TAMBAY, na ka­ma­kailan ay in-accredit ng Comelec upang luma­hok sa 2010 elections, ay nag­bigay suporta sa mit­hiin ni dating MMDA chairman Fernando na maka­pagsilbi sa bansa bilang bise presidente.

“Kami ay naniniwala na isang lider na katulad ni Bayani Fernando ang ka­ila­ngan ngayon ng ban­sa, isang lider na deter­mi­nadong isaayos ang bayan sa pamamagitan ng disip­lina at may paniniwala sa kakayahan ng bawat Pili­pinong baguhin at hina-ngin ang kanyang sariling galing para sa isang mas magandang kinabukasan,” pahayag ni dating OFW congressman Omar Fajar­do, tumatayong secretary-general ng A Tambay Par­tylist, sa isang pagpupu­long sa mga miyembro ng grupo sa Malolos, Bu­lacan kamakailan.

Ayon sa record, mahi-git sa walong milyong Pi­lipino ngayon ang wa­lang hanap-buhay at hindi ku­kulangin sa anim na milyon ang underemployed o iyong mga may trabaho nga ngunit apat na oras lamang pababa pumapa­sok kada araw.

Ayon pa rin sa record, maraming Pili­pino, o higit sa 40 milyon ang nagka­kasya sa isang dolyar o kulang pa upang mabuhay kada araw. (Butch Quejada)

Show comments