^

Bansa

Villar nakabawi sa survey

-

MANILA, Philippines - Nakabawi si Nacio­nalista Party standard bearer Sen. Manny Villar sa bagong survey ng Social Weather System nang makakuha siya ng solidong 45 porsiyento na tu­mapyas sa dating malaking lamang ni Libe­ral Party standard bearer Sen. Be­nigno “Noynoy” Aquino na mayroong rating na 59%.

Batay sa survey na ginawa noong Nobyem­bre 4-8 at sumaklaw sa 1,200 respondent, umak­yat nang walong porsi­yento ang rating ni Villar mula sa dating 37% ng Sep­tember survey ng SWS.

Ang November survey ay may katanu­ngang: “Sa ilalim ng kasalu­kuyang Konstitusyon ang termino ni Pang. Arroyo ay hanggang sa taong 2010 lamang at magka­karoon ng halalan para sa pagka-pangulo sa Mayo 2010. Sinu-sino sa palagay ninyo ang mga magagaling na lider na dapat pumalit kay Pang. Arroyo bilang presidente?”

Sa pinakabagong survey na ito, tumapyas ng 23% sa kalamangan ni Aquino si Villar sa naka­raang September “Best Leader” survey para sa 14% points na bentahe na lamang na makikita sa  November poll.

Pumangatlo sa survey si Sen. Francis Escu­dero at si dating Pangulong Estrada na dating nasa ikatlong puwesto, ay buma­ba naman sa fourth place (18 %).

Si Sen. Loren Legar­da, running mate ngayon ni Villar, ay nakakuha ng 4% habang ang katung­gali niyang si Sen. Mar Roxas II ay nagkamit la­mang ng 3% mula sa dating 12 %. (Butch Quejada)

vuukle comment

ANG NOVEMBER

AQUINO

BEST LEADER

BUTCH QUEJADA

FRANCIS ESCU

LOREN LEGAR

MANNY VILLAR

MAR ROXAS

PANGULONG ESTRADA

SHY

SI SEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with