^

Bansa

Ampatuans makakalaya?

-

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pangamba ang isang presidentiable ng partidong Philippine Green Republican Party na maaaring makalaya ang mga miyembro ng pa­milyang Ampatuan sa pagbawi ng pamahalaan sa Martial Law sa Maguindanao.

“Ano ang mangyayari sa mga Ampatuan?” ang ku­westiyon ni PGRP presidential candidate Dr. Felix Cantal na dating miyembro ng United Nations Interna-tional Court of Justice. 

Sinabi niya na, nang arestuhin ang mga Ampatuan at mga miyembro ng Civilian Volunteer Organization, non-bailable offense ang kasong murder ng mga ito habang nasa ilalim ng Batas-Militar ang Maguindanao. Ngunit nang tanggalin ito ay magkakaroon na umano ng tsansa ang mga Ampatuan na magpiyansa.

Ipinaliwanag pa ni Cantal na sa simula pa lang ay kontra na siya sa Martial Law. Mas nararapat umano na ikinordon na lamang ang Maguindanao para hindi ma­kalabas at makapasok ang mga tao habang iniim­bestigahan o inaalam ang mga may sala. Ang pagde­deklara umano ng batas militar ay para lamang sa pansariling interes ng iilan at para proteksyunan ang sinuman. (Butch Quejada)

AMPATUAN

BUTCH QUEJADA

CIVILIAN VOLUNTEER ORGANIZATION

COURT OF JUSTICE

DR. FELIX CANTAL

MAGUINDANAO

MARTIAL LAW

PHILIPPINE GREEN REPUBLICAN PARTY

UNITED NATIONS INTERNA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with