MANILA, Philippines - Pinarangalan ng Award for Congressional Legislative and Service Excellence ng Consumers League of the Philippines Foundation, Inc. (CONPHIL) si Caloocan City District 2 Rep. Mary Mitzi L. Cajayon dahil sa makabuluhang paglilingkod sa gobyerno.
Ginanap ang 2009 Dangal ng Pilipinas Awards night noong Nobyembre 25, 2009 sa tanghalang Henry Irwin Lee sa Ateneo de Manila University sa Quezon City.
Si Cajayon ay nasa unang termino sa Kongreso at pinarangalan dahil sa panukalang batas na nais maiangat ang pamumuhay ng publiko, lalo na ng mga maralita sa Caloocan City.
Si Cajayon na tinaguriang “Giant Killer” ay number one councilor ng Caloocan matapos na manalo noong 2004 bilang independent candidate.
Layon din ni Cajayon na maisulong ang kapakanan ng mga bata, kababaihan at matatanda sa lungsod at naging instrumento din ito sa pagpasa ng mga batas hinggil sa kalusugan, edukasyon at kapa ligiran. (Butch Quejada)