Reporma sa edukasyon prayoridad ni Gibo

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ni La­kas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. sa gobyerno na gawing prayoridad ang reporma sa edukasyon upang lalong mapabuti ang kalagayan nito sa mga pampublikong paaralan katulad sa pribadong sektor.

Ginawa ni dating De­fense Secretary Teodoro ang panawagan matapos siyang gawaran ng honoris causa (doctorate in public administration) ng Poly­technic University of the Philippines sa Sta. Mesa, Maynila.

“Marami tayong kuwali­pikadong empleyado para ilagay sa mga pampubli­kong institusyon. Nasa­sag­kaan ang kanilang pag­sisikap na pagbutihin ang trabaho dahil sa kakula­ngan ng kinakailangang imprastruktura at pansu­portang mekanismo,” sabi pa ni Teodoro.

Pabor din siyang big­yan ng karagdagang pag­sa­sanay ang mga civil servants upang magka­roon sila ng mas mahusay na kakayahan sa pagha­wak ng posisyon sa pama­halaan. (Rudy Andal)

Show comments