MANILA, Philippines - Nagpahayag kahapon ng pagkabahala si Environment advocate at Senador Loren Legarda sa planong pagpatag sa isang burol sa Caticlan, Aklan para bigyang-daan ang pagpapalaki sa runway ng gagawin ditong bagong paliparan.
Kaugnay nito, hiniling ni Legarda sa pamahalaang Arroyo na ibasura ang P2.5 bilyong airport expansion kasunod ng pagsasabing hindi dapat isakripisyo ang kalikasan para lamang sa progreso at iba pang economic gains.
Si Legarda na chairman ng oversight committee on Climate Change at tumatakbo sa pagka-bise presidente, ay nag sabi pang ang “micro-climatic change” na idudulot ng pagpatag sa bundok ay nakakaalarma.
Ayon sa plano, ang runway ay palalawakin mula 825 metro na gagawing 2.1kilometro para matugunan ang international airport standard at upang ma-accommodate ang malalaking eroplano. Inaasahang magiging operational ang paliparan sa June 2010.