^

Bansa

Loren nabahala sa Caticlan

-

MANILA, Philippines - Nagpahayag kaha­pon ng pagkabahala si Environment advocate at Senador Loren Le­garda sa planong pag­pa­tag sa isang burol sa Caticlan, Aklan para bigyang-daan ang pag­papalaki sa runway ng gagawin ditong bagong paliparan.

Kaugnay nito, hini­ling ni Legarda sa pa­mahalaang Arroyo na ibasura ang P2.5 bil­yong airport expansion kasunod ng pagsa­sa­bing hindi dapat isakri­pisyo ang kalikasan para lamang sa prog­reso at iba pang economic gains.

Si Legarda na chairman ng oversight com­mit­tee on Climate Change at tumatakbo sa pagka-bise presidente, ay nag­ sabi pang ang “micro-climatic change” na idu­dulot ng pag­patag sa bundok ay nakaka­alarma.

Ayon sa plano, ang runway ay palalawakin mula 825 metro na ga­gawing 2.1kilometro para matugunan ang international airport standard at upang ma-accommodate ang mala­laking eroplano. Inaasa­hang magiging operational ang paliparan sa June 2010.

AKLAN

AYON

CATICLAN

CLIMATE CHANGE

INAASA

KAUGNAY

LEGARDA

SENADOR LOREN LE

SHY

SI LEGARDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with