MANILA, Philippines - Nakatakdang mag palabas ng reward ang Philippine National Police para sa mabilisang ikadarakip ng may 100 miyembro ng Civilian Volunteers Organization o mga goons ng Ampatuan clan na sangkot sa karumaldumal na Maguindanao massacre noong Nobyembre 23.
Sinabi ni Philippine National Police Chief Director General Jesus Verzosa na kasalukuyan pa nilang pinag-aaralan kung magkano ang ipalalabas na reward sa makakapagturo sa kinaroroonan ng mga suspek.
Inihahanda naman ng PNP-CIDG ang pagsasampa ng mga kaukulang kaso laban sa 100 suspek.
Nabunyag rin na pinagplanuhan ang krimen kung saan mula pa noong Nobyembre 20 ay naglatag na ng checkpoint ang mga CVO’s at mga tiwaling pulis ng mga Ampatuan sa highway upang harangin ang convoy ng mga Mangudadatu. Isinailalim rin sa surveillance operations ng mga suspek ang pa milya ni Buluan Vice Mayor Esmael “Toto” Mangudadatu. (Joy Cantos)