Madayang printer blacklisted
MANILA, Philippines - “Ang printer na hindi tapat sa maraming bagay ay hindi dapat pagkati walaan sa paglilimbag ng mga sensitibong dokumento tulad ng mga may kinalaman sa halalan”.
Ito ang pahayag ng National Printing office nang maglunsad ng paglilinis sa talaan ng mga printers na puwedeng sumali sa bidding ng ahensya. Ayon sa isang NPO official, blacklisted na sa National Printing Office ang mga security printers na napaulat kamakailan na nameke ng dokumento.
Isang 10-pahinang resolution ang inilabas ng NPO upang i-blacklist sa bidding ang Ready Form Inc. hanggang sa susunod na limang taon. Kabilang din sa mga pinepeke nito ang deklarasyon ng financial statement sa multi-milyon pisong halaga na kinita sa mga nakalipas na taon.
Ang resolusyon ay pirmado mismo ng limang miyembro ng Bids and Awards Committee sa pangunguna ng chairman na si Eddie Barsaga Vista. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending