FVR humanga kay Gibo
MANILA, Philippines - Humanga si dating Pangulong Ramos sa ipinamalas na liderato ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. ng manindigan kaagad ito na bigyang hustisya ang mga biktima ng Maguindanao massacre kasabay ng pagpapatalsik sa mga Ampatuan sa administration party na kanyang pinamumunuan.
“This is something to be admired. While other presidential aspirants merely condemned the massacre as was expected, it was Teodoro who displayed the boldness and the courage to immediately rush to Maguindanao even before the AFP and PNP moved to clear the province of its private armies and arms stockpile,” paliwanag pa ni FVR.
Wika pa ni Ramos, sa ganitong mga kritikal na sitwasyon makikita ang tunay at mahusay na lider tulad ni Gibo. Ginawa ni FVR ang komento kay Gibo pagdating nito sa bansa mula sa pagdalo nito sa isang event sa Australia.
Samantala, ang dating itinatag na Friends of Ramos (FOR) noong 1992 na sumuporta sa pagtakbo ni FVR ay muling binuhay ngayon sa pamamagitan ng Friend of Ramos for Teo doro (FORT) na sumusuporta sa kandidatura naman ni Gibo. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending