^

Bansa

VP Noli handang palitan si GMA

-

MANILA, Philippines - Kinastigo ni Vice President Noli “Kabayan” de Cas­ tro si Quezon Rep. Danilo Suarez at sinabing “tumingin muna siya sa salamin” at tanungin niya ang kanyang sarili kung may nagawa siyang ma­ganda para sa kanyang komunidad.

Hindi ikinasiya ni de Castro and pangungutya ni Suarez na hindi kayang ma­muno ng Bise-Presi­dente kapag nagbitiw sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo matapos itong magsumite ng kandidatura sa pagka-kongresista ng (2nd district) Pampanga.

Ani Suarez, makasa­sama ang pamamahala ni de Castro sa panahon ng krisis-pangkabuhayan.

“Ako ang Bise-Presi­dente at tungkulin ko na maglingkod alinsunod sa Saligang Batas. Kahit may resesyon o wala, ang tung­kuling iyan ay dapat tupdin. Ako ay nakapag­lingkod na sa Gabinete ng anim na taon. Naglingkod ako bilang senador nang tat­long taon at gayun din sa serbisyo-publiko nang ilang dekada bilang beteranong mama­ma­hayag,” sabi ni de Castro.

Sinabi naman ng ilang mambabatas na si de Castro ay “more than qualified” na maglingkod bilang pangulo nang anim na buwan.

Si de Castro ang noo’y inasahang magiging standard-bearer ng Administration party sa 2010 elections ngunit ang dating “most-trusted newscaster” ay nag­pasyang hindi na tumakbo.

Si Suarez ay napaban­tog din na siyang nag-spon­sor ng maluhong ha­punan nina First Gentleman Mike Arroyo at entourage ng Pangulo noong bumisita sila sa Washington D.C. (Butch Quejada)

ANI SUAREZ

BISE-PRESI

BUTCH QUEJADA

DANILO SUAREZ

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

QUEZON REP

SALIGANG BATAS

SHY

SI SUAREZ

VICE PRESIDENT NOLI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with