Martial Law pinababawi

MANILA, Philippines - Umaapela ang mga re­ sidente, empleyado at opis­yal ng  Autonomous Re­­gion in Muslim Min­danao (ARMM) sa Pangu­long Arroyo na ipa­tu­pad ang proseso ng de­mo­krasya sa bansa at ba­wiin ang idi­neklarang Martial Law sa Maguindanao.

Sa isang press state­ment, sinabi ni Iskak Pa­guital, isang residente ng Maguindanao at senior official ng Maguindanao professionals and Em­plo­yees Association (MAPEA), hindi umano nararapat ang “martial law” sa kanilang lugar dahil lilikha lamang ito ng takot at pa­ngamba sa lahat ng mamamayan sa kanilang lalawigan.

Aniya, ang kasalanan ng iba ay hindi dapat isisi sa lahat ng residente sa Maguindanao na namu­mu­hay ng mapayapa, tahimik para maitaguyod ang kani-kanilang mga pamilya.

Binatikos din ni Pa­guital ang ginagawang “house arrest” ng militar at PNP kay ARMM Gov. Zaldy Am­pa­tuan dahil hindi nito ma­gam­panan ang man­datong iniatang sa kanya ng taong bayan dahil isa itong halal at pinakamataas na opisyal ng rehiyon.

Si Paguital ay nanini­walang inosente o walang kinalaman ang kanilang gobernador sa naganap na masaker sa Maguin­danao dahil nasa Mala­kan­yang ito nang maga­nap ang kri­men noong Nobyembre 23.

Iginiit ni Paguital na wala namang kinakaharap na kaso kaugnay sa naga­nap na masaker ang go­ber­nador, sumusunod ito sa batas at nakiki­pagtulu­ngan sa mga awto­ridad sa gina­gawa nilang pagre­solba sa karumal-dumal na krimen, kaya’t wala umanong dahi­lan upang ide­tine ito, na ma­­linaw na pag­labag sa kan­yang consti­tu­tional rights. (Mer Layson)

Show comments