Gibo pinuri ng US paper
MANILA, Philippines - Tinukoy ng Wall Street Journal na bukod tangi si Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. sa mga tumatakbong presidente ng Pilipinas para sa 2010 elections dahil sa background nito sa law and order.
Nakakuha ng atensyon mula sa opinion editor ng Wall Street Journal on line na si Brett Decker ang natatanging solid background sa law and order ni Teodoro dahil sa pagsislbi nitong defense secretary at chairman ng national disaster coordinating council.
Nakaagaw ng atensyon sa international media group ang naganap na Maguindanao massacre kung saan ay nakita ni Decker na tanging si Teodoro lamang sa mga front-runners ng 2010 elections sa Pilipinas ang nararapat na manalo dahil sa background nito. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending