Meralco project sa NAIA tinatapos

MANILA, Philippines - Inihayag ng Manila Electric Company na kasalukuyan nitong tinatapos ang proyekto na magbibigay ng mas maayos na suplay ng kuryente sa Ninoy Aquino International Airport– Terminal 3 gaya ng pagtatayo ng mga poste sa loob ng Airmen’s Village, Villamor, Pasay City. “Ang proyektong ito ay nag­la­layong lalong mapagbuti ang serbisyo ng Meralco sa NAIA 3” ani Rustico de Borja, vice-president at hepe ng Sub-transmission services. Hindi lang aniya sa airport pagbubutihin ang kanilang serbisyo kundi maging sa mga kalapit na hotels at condominiums nito.

Show comments