^

Bansa

Senado sumuporta sa PASG

-

MANILA, Philippines - Sinuportahan ng Se­nado sa pangunguna ni Se­nate President Juan Ponce Enrile ang paglaban ng Presidential Anti-Smuggling Group (PASG) laban sa smuggling activities sa bansa.

Sinabi ni Sen. Enrile sa radio program na “Kontra Smuggling” ni PASG chief Undersecretary Antonio Villar Jr. sa DZRH, buo ang suporta ng Senado sa PASG sa paglaban nito sa smuggling sa bansa.

Ayon kay Enrile, nara­rapat lamang bigyan ng todo-suporta ng Senado ang PASG laban sa smugglers dahil ‘ninanakawan’ ng mga smugglers ng bil­yong piso sa hindi pagba­bayad ng buwis.

Ginawa ng Senate chief ang pagsuporta sa PASG sa gitna ng mga paninira sa PASG kung saan ang mga natatamaan ng anti-smuggling campaign ay guma­gas­tos upang mabuwag ang nasa­bing ahensiya.

Nilinaw din ni Enrile na ang 20 araw na TRO na ipinalabas ni Manila Regional Trial Court Judge Silvino Pampilo Jr. ay hindi mapipigil ang kapang­ya­rihan ng gobyerno upang mangolekta ng buwis.

Itinuturing ang PASG bilang isa sa tanggapan ng pamahalaan na nag-aak­yat ng pera sa kaban ng bayan.

Bago rito, nanawagan si Sen. Francis Escu­dero na tigilan na ang pang-iintriga sa PASG kung nais ng pamahalaan na matu­gunan ang prob­lema ng katiwalian at mapalakas ang pango­ngolekta nito ng buwis. (Rudy Andal)

ENRILE

FRANCIS ESCU

KONTRA SMUGGLING

MANILA REGIONAL TRIAL COURT JUDGE SILVINO PAMPILO JR.

PASG

PRESIDENT JUAN PONCE ENRILE

PRESIDENTIAL ANTI-SMUGGLING GROUP

RUDY ANDAL

SENADO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with