^

Bansa

Petisyon vs kandidato hanggang Disyembre 6

-

MANILA, Philippines - Ipinahayag ng Commission on Elections na hanggang sa Disyembre 6 lamang nila tatanggapin ang mga petisyon o rek­lamo laban sa mga kandi­datong naghain ng certificate of candidacy (COC).

Ayon kay Comelec spokesman James Jime­nez, tatanggapin nila ang mga reklamong tulad ng legalidad, paggamit ng ibang pangalan o palayaw para makagulo sa kapwa kandidato at kwestiyon sa pagkamamamayan ng isang aspirante sa alin­mang posisyon.

Agad namang isasa­lang ng Comelec sa evaluation ang nabanggit na mga petisyon bago mag­pa­labas ng desisyon ang en banc sa huling bahagi ng Disyembre.

Sa loob din ng buwang ito ay malalaman kung sino ang mga papayagang makatakbo at kung sinu-sino naman ang mga “nuisance candidates.”

Layunin ng maagang pagdedeklara nito ay upang huwag ng maisama ang mga pangalan ng ilang aspirante sa i-emprentang balota sa buwan ng Enero na gagamitin sa kauna-unahang nationwide computerized elections. (Doris Franche)

AYON

COMELEC

DISYEMBRE

DORIS FRANCHE

ENERO

IPINAHAYAG

JAMES JIME

LAYUNIN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with