MANILA, Philippines - Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na hindi ginahasa ang 15 babaeng kasama sa mga dinukot at pinatay sa Maguindanao noong Nobyembre 23, kabilang ang misis ni Buluan Vice Mayor Esmael “Toto” Mangudadatu, na si Genalyn.
Ayon kay Dr. Florencio Arizala, hepe ng NBI-Medico Legal, pawang negatibo sa semenology tests ang mga ito, base sa isinagawang awtopsiya ng kanilang medico legal.
Kabilang ang dalawang kapatid ni Vice Mayor Mangudadatu, isang tiyahin at isang babaeng journalist ang isinailalim sa awtopsiya ng NBI.
“Based on the factual findings, there were no sperms found from their bodies. The sperms died after 72 hours. The victims were killed on Nov. 23 and the bodies were found the following day and some of them were autopsied several hours later. We can note the time factor. This is a thin theory, that the sperms had already become fluid before the examinations were conducted,” paliwanag ni Arizala.
Gayunman, maari pa nilang mas masiguro ang pagsusuri kung isasailalim sa DNA tests na isang mas mabisang paraan.
Nilinaw din ni Arizala na lumobo na ang bangkay ng mga biktima kaya nasira ang mga damit, zipper at ilan ang damit na mga nakabukas.
Ilan umano dito ang nabatid na 24 lamang ang orihinal na beywang subalit sa awtopsiya ay umabot na sa 40 inches dahil lumobo na sa pagkabulok ang katawan.
Ang 20 pang bangkay na sinuri ay pawang nasawi dahil sa mga tinamong bala mula sa matataas na kalibre ng mga baril. (Ludy Bermudo)