^

Bansa

'Political healing' tututukan ni Gibo

-

MANILA, Philippines - Isang ‘healing at political conciliation’ na liderato ang isusulong ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teo­doro Jr. matapos itong mag­hain ng kanyang certificate of candidacy sa Commission on Elections kahapon.

“Tututok ang aking liderato sa paghihilom,” wika pa ni dating Defense Secretay Teodoro kasabay ang pagsasabing hindi ito panahon para mag-experiment, bagkus, ang kaila­ngan ay subok na liderato.

Kasabay ni Gibo na nag­hain ng COC ay ang kanyang running mate na si TV celebrity Edu Man­zano matapos nilang du­malo sa isang misa sa Manila Cathedral na inialay nila sa 57 biktima ng Ma­guin­ danao massacre. Nag­lunsad din ng sabay-sabay na misa ang supporters ng Lakas-Kampi-CMD sa ibat ibang lungsod ng Bacolod, Davao, Iloilo at Olongapo.

Sinamahan sila ng libo-libong supporters na na­kasuot ng berdeng damit nang magtungo sila sa Comelec.

Sinabi pa ni Teodoro na ang paghahain nila ni Manzano ng COC ay pani­mula pa lamang ng maha­bang paglalakbay tungo sa tagumpay nila sa 2010 elections. Naghain din ng COC upang kumandida­tong senador sa ilalim ng administration party sina Rey Langit at Binaloan, Pangasinan Mayor Ramon Guico Jr.

Iginiit pa ni Teodoro, 1989 bar topnothcer at Harvard-trained na lawyer, na pangunahing isusulong niya ang reporma para sa kagalingan ng taumbayan lalo sa kanayunan at pagsusulong ng mga economic reforms upang gu­manda ang buhay ng mga Filipino.

Naniniwala rin si Teo­doro na hindi maaapek­tuhan ang kanyang kandi­datura sa pagtakbo ni Pangulong Gloria Arroyo bilang kongresista sa Pampanga. (Rudy Andal)

DEFENSE SECRETAY TEODORO

EDU MAN

GIBO

LAKAS-KAMPI

MANILA CATHEDRAL

PANGASINAN MAYOR RAMON GUICO JR.

PANGULONG GLORIA ARROYO

REY LANGIT

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with