Green agenda ni Loren kasado na

MANILA, Philippines - Pormal na inilunsad kahapon ni Senator Loren Legarda ang tina­gurian niyang “green platform of governance” sa pagsusumite sa Com­mission on Elections ng kanyang certificate of candidacy para sa pagka-bise presi­dente sa 2010 elections.

Siniguro ni Legarda na, kung mahahalal siya, hindi siya magiging spare tire lang, bagkus, mangunguna siya sa isang “humanitarian campaign” para sa ka­pa­yapaan, pag-unlad ng ekonomiya at environmental protection.

Si Legarda ang pam­bato ng Nationalist Peoples’ Coalition at tumatayong running mate ni Nacionalista Party presidential standard-bearer Sen. Manny Villar.

Idiniin niya ang kam­panya laban sa korap­syon, pagbibigay-pro­tek­syon sa mga overseas Filipino worker, panga­ngalaga sa kali­kasan at paglinang ng ga­­ling at kulturang Pilipino.

Isusulong din niya ang kapayapaan sa bu­ong bansa, lalo na sa Min­danao, sa pamama­gitan ng pagpapatuloy ng mga usapang pang­kapa­ya­paan. (Doris Franche)

Show comments