Green agenda ni Loren kasado na
MANILA, Philippines - Pormal na inilunsad kahapon ni Senator Loren Legarda ang tinagurian niyang “green platform of governance” sa pagsusumite sa Commission on Elections ng kanyang certificate of candidacy para sa pagka-bise presidente sa 2010 elections.
Siniguro ni Legarda na, kung mahahalal siya, hindi siya magiging spare tire lang, bagkus, mangunguna siya sa isang “humanitarian campaign” para sa kapayapaan, pag-unlad ng ekonomiya at environmental protection.
Si Legarda ang pambato ng Nationalist Peoples’ Coalition at tumatayong running mate ni Nacionalista Party presidential standard-bearer Sen. Manny Villar.
Idiniin niya ang kampanya laban sa korapsyon, pagbibigay-proteksyon sa mga overseas Filipino worker, pangangalaga sa kalikasan at paglinang ng galing at kulturang Pilipino.
Isusulong din niya ang kapayapaan sa buong bansa, lalo na sa Mindanao, sa pamamagitan ng pagpapatuloy ng mga usapang pangkapayapaan. (Doris Franche)
- Latest
- Trending