4 model OFW family wagi

MANILA, Philippines - Apat na katangi-ta­nging pamilya ng overseas Filipino workers ang nag­wagi sa ginawang pa­­­tim­palak ng taunang ‘Model OFW Family of the Year Awards’ na inorga­nisa ng Overseas Workers Welfare Administration.

Ayon kay OWWA Administrator Carmelita Dim­zon, ang apat na kuwalipi­kadong OFW families na tumanggap ng award mula sa MOFYA ay ang mga pamilyang Lubis  ng Lipa, Batangas; Bello family ng Masbate; pamilyang Ta­mayo at Naga family ng Lanao del Sur. 

Kumatawan sa apat na pamilya sina Engineer Rodolfo Pita Lubis mula Batangas para sa kate­goryang land-based OFWs, habang si Capt. Emilio Bajar Bello ng Masbate naman para sa sea-based OFWs.

Sa­mantala, binigyan ng award para sa entrepreneurship at community development ang pa­milya ng mga OFWs na sina Sebas­tian Tamayo ng NCR at Zenaida Naga ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Ang MOFYA ay ibini­bigay taun-taon ng OWWA sa pamamahala ni Labor Sec. Marianito Roque para sa mga deserving OFWs na may matatag na relas­yon sa pamilya, pag-angat ng antas sa buhay mula sa pinalagong kita ng OFW at pagtulong sa komunidad kung saan siya nakatira. (Ellen Fernando)

Show comments