MANILA, Philippines - Isang dating professor ng University of the Philippines ang nagbabala sa constructor ng Caticlan International Airport sa Aklan laban sa pagpatag ng burol sa nasabing lugar para lang mabigyang daan ang pagpapalawig dito ng isang runway. “Labag sa ating Konstitusyon ang pagwasak sa likas na kayamanan. Labag din sa Konstitusyon ang pagpatag sa isang burol para lang pagbigyan ang proyekto ng pamahalaan,” sabi ni Froilan Bacungan, dating dean ng College of Law ng UP.
Nanawagan si Bacungan sa mga residente ng Aklan lalo na sa mga nakatira sa bayan ng Malay na tutulan ang pagpapagawa sa P2.5 bilyong Caticlan Airport kung papatagin ng Caticlan International Airport Development Corp. ang naturang burol. Inihayag ni Bacungan ang kanyang opinyon nang magbabala ang isang land form expert ng Department of Environment and Natural Resources na maglalaho ang mga beaches ng Boracay kapag pinatag ang burol. (Butch Quejada)