MANILA, Philippines - Isang dentistang “balot ng ginto” ang nadagdag sa listahan ng mga presidential hopefuls.
Nagtungo sa Comelec kahapon si Dr. Agustin “Doc Tin” Aguilar, isang dentista mula sa Calapan City at pangulo ng mga Barangay Kagawad sa Pilipinas.
Nakasuot ito ng 22-carat na gintong kuwintas at puno rin ng mga gintong singsing ang 10 daliri nito, na siya aniya niyang signature sa Calapan City.
Ayon kay Aguilar, sa tatlong taong termino nito bilang barangay chairman, nakita niya ang pangangailangan ng bansa para sa pagbabago, kaya’t ipinasya niyang sa kauna-unahang pagkakataon ay tumakbo sa presidential race. (Mer Layson)