Walang plano, walang pondo - Ebdane

MANILA, Philippines - Sakaling manalong pre­sidente, maglalaan lang si Partido ng Mang­ ga­gawa at Magsasaka standard-bearer Hermo­genes Ebdane Jr. ng pon­do sa mga proyekto ng paggawa na may “blue print” o plano.

Ipinaliwanag ni Ebda-ne na ang problema ng ilang opisyal ng lokal na pa­maha­laan partikular sa Regional Development Councils ay ang pagpa- pa­hintulot nila sa mga    pro­yekto na napasimulan ng kanilang mga sinun- dan sa halip na ipagtupad ang mga bagong plano.

“Ang isa pang mapan­sin ninyo dito ay hindi pa tapos ang isang proyekto ay may bago na naman. Tapos kapag inabutan ng susunod na administration, wala na,” pahayag ni Eb­dane sa isang panayam.

Sinabi ni Ebdane na ang proyekto ay dapat “interconnected” o may pag­ka­kaugnay at pagpapa­tuloy sa kasalukuyang proyekto at kailangang may kontrol sa paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Ayon kay Ebdane, isa sa kanyang panguna- hing prayoridad ay pag­papa­gawa ng mga lan­sa­ngan na magkukunekta   sa ko­munidad dahil kapag may bagong mga kalsada, tiyak na magka­ karoon ng pag­ba­bago sa komuni­dad.

Takdang ihayag ni Ebdane ang kanyang ma­ka­kasama sa pagtakbo    sa halalan ngayong araw, alas-9 ng umaga, sa UP Bahay ng Alumni. (Butch Quejada)

Show comments