Walang plano, walang pondo - Ebdane
MANILA, Philippines - Sakaling manalong presidente, maglalaan lang si Partido ng Mang gagawa at Magsasaka standard-bearer Hermogenes Ebdane Jr. ng pondo sa mga proyekto ng paggawa na may “blue print” o plano.
Ipinaliwanag ni Ebda-ne na ang problema ng ilang opisyal ng lokal na pamahalaan partikular sa Regional Development Councils ay ang pagpa- pahintulot nila sa mga proyekto na napasimulan ng kanilang mga sinun- dan sa halip na ipagtupad ang mga bagong plano.
“Ang isa pang mapansin ninyo dito ay hindi pa tapos ang isang proyekto ay may bago na naman. Tapos kapag inabutan ng susunod na administration, wala na,” pahayag ni Ebdane sa isang panayam.
Sinabi ni Ebdane na ang proyekto ay dapat “interconnected” o may pagkakaugnay at pagpapatuloy sa kasalukuyang proyekto at kailangang may kontrol sa paggamit ng pondo ng pamahalaan.
Ayon kay Ebdane, isa sa kanyang panguna- hing prayoridad ay pagpapagawa ng mga lansangan na magkukunekta sa komunidad dahil kapag may bagong mga kalsada, tiyak na magka karoon ng pagbabago sa komunidad.
Takdang ihayag ni Ebdane ang kanyang makakasama sa pagtakbo sa halalan ngayong araw, alas-9 ng umaga, sa UP Bahay ng Alumni. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending