^

Bansa

Police escort na 'di naka-uniporme, bawal

-

MANILA, Philippines - Umpisa sa Lunes (Nob­yembre 30), bawal na ang mga pulis na escort ng mga pulitiko at ng iba pang mga opisyal ng pamaha­laan na hindi nakasuot ng uniporme.

Sa direktiba ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa, lahat ng police security escorts ay inoobliga nitong magsuot ng kumpletong uniporme habang guma­ganap ng kanilang mga tungkulin.

Sinabihan din ni Ver­zosa si Chief Supt. Lina Sar­miento, Director ng Po­lice Security Protection Group (PSPG) na sa halip na barong o kasuotang sibilyan ang isuot ng lahat ng mga PSPG na naka­talaga sa mga VIPs ay dapat na isuot ang tamang uniporme ng pulis.

Sa pamamagitan nito, ayon kay Verzosa ay mabi­lis na madedetermina kung sumusunod ang mga pulitiko sa paglilimita ng PNP sa mga ito sa dala­wang security escort na pulis para maiwasan ang karahasan kaugnay ng nalalapit na 2010 national elections.

Sa pamamagitan ng pagsusuot ng uniporme ng mga police ay mapa­paigting din ang presensya ng mga ito sa ‘police visibility’ na naglalayon ring maba­wasan ang krimina­lidad.

Ipinapanukala ng PNP ang standard uniform para sa lahat ng security personnel ng lahat ng mga ahensya ng pamahalaan tulad ng National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang mga ahensyang tagapagpa-    tupad ng batas.   (Joy Cantos)

CHIEF DIRECTOR GENERAL JESUS VERZOSA

CHIEF SUPT

IPINAPANUKALA

JOY CANTOS

LINA SAR

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SECURITY PROTECTION GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with