CNN hero gagawaran ng Order of Lakandula

MANILA, Philippines - Pagkakalooban nga­yong umaga ni Pangulong Arroyo ng Order of Lakan­dula ang CNN Hero of the Year na si Efren Peña­florida dahil sa katangi-tanging programa nito sa edukasyon sa pamama­gitan ng kanyang kariton.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Lorelei Fajardo, gaganapin ang seremonya sa Mala­cañang kung saan kasama ni Efren ang kanyang mga magulang at mga kasa­mahan muna sa Club 8586 at Dynamic Team Company sa pagtanggap niya ng Order of Lakandula.

Magugunita na tinanghal si Efren sa kanyang “kariton education program” bilang 2009 CNN New Hero kung saan ay tumanggap siya ng $100,000 cash prize bukod sa $25,000 na tinanggap niya bilang finalist. (Rudy Andal)

Show comments