MANILA, Philippines - Hindi pumayag ang mga pamilya ng mga kababaihang Muslim na kabilang sa Maguindanao massacre na masuri ng mga lalaking duktor ang bangkay ng mga pinaslang nilang kaanak.
Ayon kay NBI Regional Director Ricardo Diaz, hepe ng Counter Terrorism Unit (CTU) ng ahensiya, nakiusap ang pamilya ng mga babaeng biktima na mga female doctor ang tumingin sa mga biktima upang matukoy kung sila ay pinagsamantalahan bago pinagpapatay.
Ang kahilingan ay pinagbigyan ng bureau bilang respeto sa mga naulilang pamilya at sa kanilang tradisyon.
Dahil dito, ang mga labi na lamang ng mga lalaking biktima ang su suriin ng mga lalaking doktor ng NBI forensic. (Ludy Bermudo)