^

Bansa

Bise, senatorial line-up ni Ebdane plantsado na

-

MANILA, Philippines - Ihahayag ni Partido ng Manggagawa at Magsasaka (PMM)  standard-bearer Hermogenes Ebdane Jr. ang kanyang bise-presidente at senatorial line-up sa Bahay ng Alumni sa University of the Philippines sa Nobyembre 29.

Ang kandidatura ni Ebdane ay suportado ng iba’t-ibang grupo ng mga manggagawa mula Luzon, Visayas at Mindanao para isulong ang adbokasiya sa ‘living wage”.

Una ng nagpahayag ng kanilang suporta ang grupong Anak-pawis at Partidong Manggagawa (PM) kung saan pawang damit na pula ang kanilang isusuot dahil ito ang kulay ng mga manggagawa at magsa­saka.Ito din ang kulay ng apoy at dugo na simbolo ng enerhiya, lakas, kapangyarihan at determinasyon ka­sama na rin ang pagnanais at pagmamahal.

Naunang iniendorso ni Davao del Norte Governor Rodolfo del Rosario si Ebdane sa kanyang talumpati sa Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

Kabilang sa plataporma de gobyerno ni Ebdane ay ang mabigyan ng mataas na sweldo ang mga mang­gagawa at ipaglaban ang karapatan ng mga ito. Si Ebdane ay maghahain ng certificate of candidacy sa darating na Disyembre 1. (Butch Quejada)

vuukle comment

ANAK

BUTCH QUEJADA

DAVAO CITY

EBDANE

HERMOGENES EBDANE JR.

NORTE GOVERNOR RODOLFO

PARTIDONG MANGGAGAWA

ROYAL MANDAYA HOTEL

SI EBDANE

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with