^

Bansa

Ubusan ng lahi!

- Nina Joy Cantos at Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Kinatatakutang mas dumanak pa ang dugo sa pag-uubusan ng lahi sa pagitan ng lahi ng Ampa­tuan at Mangudadatu dahil sa malagim na massacre na ikinamatay ng mahigit 50 katao sa Maguindanao noong Lunes.

Ito ay matapos na ma­diskubreng maraming ka­anak ang mga Ampatuan na miyembro ng Moro National Liberation Front habang karamihan naman sa mga kaanak ng Ma­ngu­dadatu ay miyembro ng Moro Islamic Liberation Front kaya inaasahang ma­ kikisali ang mga ito sa na­gaganap na “gulo” sa da­lawang political war lords.

Bunsod nito, inalerto ni Armed Forces of the Philippines Vice Chief of Staff Lt.Gen.Rodrigo Maclang ang militar para mas lalong maghigpit ng seguridad sa Maguindanao para mapi­gilan ang nakaambang “ubusan ng lahi” sa pagitan ng mga ito.

Magugunita na dinukot at pinatay ng 100 tauhan umano ni Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan ang convoy ng misis ni Vice Mayor Ismael “Toto” Ma­ ngu­dadatu na si Ge­nalyn, kasama ang halos 37 mi­yembro ng media at iba pang mga supporters nito para maghain ng Certificate of Candidacy, kaya naman agad na isinailalim sa state of emergency ang nasa­bing lalawigan, Sultan Ku­darat at Cotabato City at pinalakas ang checkpoint dito.

Umabot na sa 57-katao ang narekober na mga bangkay sa mass grave na hinukay ng mga suspek sa Brgy. Sal­man, Ampatuan, Maguin­danao malapit sa kuta ng MNLF. Gayunman, patuloy na nangangalap ng ebi­den­siya ang mga otoridad sa crime scene para mapa­tawan ng pa­rusa ang utak ng nasabing massacre.

Samantala, sinimulan na ng National Bureau of Investigation (NBI) forensic experts ang pagsasagawa ng awtopsiya sa mga bang­kay upang makakuha ng pisikal na ebidensiya at madetermina ang sanhi ng pagkamatay nila, kung malapitang pinagbabaril, ano ang ginamit na armas at kung paano sila pinatay.

Sinabi ni Deputy Director for Technical Services Atty. Reynaldo Esmeralda na kahapon pa dumating sa carnage site ang kani­lang mga doctor at technical staff at may tatlo pa uma­nong magtutungo roon, bilang karagdagan sa naunang five-man team.

Private armies pinadidisarmahan

Samantala, nanawa­gan din si Senator Rodolfo Biazon na dis-armahan ang mga private armies sa naturang lalawigan. Aniya, dapat tanggalan ng private armies ang mga politiko dito dahil ang mga ito ang unang naghahasik ng ka­ra­hasan sa mga sibilyan.

Sinabi pa ni Biazon na bigo ang Malacañang na ipa­tupad ang mga hak­ bang para maiwasan ang karahasan gayung alam nito ang kaguluhan sa Mindanao.

Aniya, isang kaduwa­gan ang sabihing hindi kaya ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police na dis-armahan ang mga private armies sa bansa.

Kaugnay nito, pinaiim­bestigahan na sa Senado ang naganap na massacre.

National day of mourning

Nagdeklara na rin ng national day of mourning si Pangulong Arroyo bilang simpatya sa mga biktima ng Maguindanao massacre.

Siniguro din ng Pangu­lo­ sa pamilya ng mga biktima na mabibig­yan sila ng hus­tisya kasu­nod ng mabilis na pag-uutos sa local crisis management committee na pinamu­mu­nuan ni Sec. Jesus Dureza na resol­bahin kaagad ang nasa­bing karumal-dumal na krimen. (Dagdag ulat ni Malou Escudero/Rudy Andal) 

AMPATUAN

ANIYA

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES VICE CHIEF OF STAFF LT

CERTIFICATE OF CANDIDACY

COTABATO CITY

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN

MAGUINDANAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with