Violent TV shows sasalain
MANILA, Philippines - Nagkasundo ang Department of Education, Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas, at Philippine Association of National Advertisers na salain ang mga programang ipinalalabas sa telebisyon upang maging “child friendly” ang mga ito o maging karapatdapat panoorin ng mga bata.
Pinirmahan kahapon ng National Council for Children’s Television, KBP at PANA ang isang kasunduan para sa nagkakaisang pagpapatupad sa Republic Act 8370, o ang “Children’s Television Act.”
Layunin ng kasunduan na magkaroon ng mga dayalogo at pagbuo ng mga panuntunan para sa pagpapatupad ng “Violence Rating Code at Children’s Block Time programming o “C Time”.
Kasama sa dayalogong naganap ang mga opisyales ng KBP, PANA, network heads at head writers ng ABS-CBN, GMA-7 at TV-5. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending