^

Bansa

'Living wage' ni Ebdane umani ng suporta

-

MANILA, Philippines - Sinuportahan kahapon ng militanteng grupong Kilusang Mayo Uno ang adhikain ni Hermogenes “Jun” Ebdane Jr., presidential bet ng Partido ng Manggagawa at Magsa­saka, na bigyan ng protek­siyon ang mga karapatan at interes ng mga ordinar­yong manggagawa.

Ngunit nilinaw ni KMU executive vice president Joselito “Lito” Ustarez na hindi sinusuportahan ng KMU ang kandidatura ni Ebdane.

Bagkus, ang kanyang agenda para sa mga manggagawa kung siya’y mananalo bilang pangulo ng bansa ang kanilang sinusuportahan.

“Maganda ang kon­septo, idea ng living wage, maganda ito para sa mga manggagawa. In fact, ito yung matagal na naming itinutulak na maisabatas,” wika ni Ustarez.

Idinagdag ni Ustarez na “Ang living wage, kung saan hindi isyu kung mag­kano ang dapat kitain ng bawat indibidwal sa isang araw, ay magsisiguro na ang bawat pamilya ay kakain tatlong beses sa isang araw, makakapag-aral ang mga bata, maipa­pagamot ang bawat mi­yembro ng pamilya kung sila ay may sakit, maka­bibili sila ng maayos na damit at paminsan-minsan makakapamasyal ang bawat pamilya.”

Pinuri din niya ang plano ni Ebdane na pala­ka­sin ang unyonismo dahil aniya nawawala na ito dahil sa “contractua­lization”.

Hiniling ni Ustarez kay Ebdane na iplano na niya kung paano niya ipapa­tupad ang kanyang mga prog­ rama upang isulong ang in­teres ng mga mang­gagawa.

Inaasahan na magpa-file ng kanyang kandida­tura si Ebdane sa Dis­yembre 1. Ang kanyang running mate at mga kandidato para senador ay ihahayag sa Nob. 29 sa UP Bahay ng Alumni. (Butch Quejada)

BAGKUS

BUTCH QUEJADA

EBDANE

EBDANE JR.

HERMOGENES

HINILING

KILUSANG MAYO UNO

SHY

USTAREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with