^

Bansa

Pekeng pera kalat sa Taguig

-

MANILA, Philippines - Isang lalaki na intelligence asset diumano ng Taguig City Hall na gina­gamit sa anti-drugs operations ang nahuling guma­gamit umano ng pekeng pera habang nakikipag­pustahan sa sabungan sa munisipyo ng Pateros.

Ayon kay Pateros Chief Police Supt. Danny Macat­lang, inaresto nila ang isang nagngangalang John Gregorio alyas “Buhawi” nang gumamit umano ito ng isang pekeng P1,000 habang tumataya sa sabungan. 

Sa masusing imbesti­gasyon ng Pateros Police, isang pulis-Pasig ang nakapustahan daw nito kaya’t hindi nakalusot ang ipinu­pustang huwad na salapi. Nang kapkapan ng mga pulisya ang naturang sus­­pek, nakita na mayroon pang pekeng P20 sa loob ng wallet nito.

Sinabi rin ni Gregorio na isang media officer umano ni Taguig City Mayor Freddie Tinga ang kanyang diumano’y “handler” sa mga operasyon sa illegal drugs.

Kamakailan, nabunyag sa Taguig ang isang counterfeit money syndicate na kung saan dalawang lalaki ang nahulihan ng mga pekeng P100 na ibine­benta naman sa mga ibang kriminal na grupo sa halagang P70 kada piraso.

Maliban sa mga masa­samang grupo sa Taguig na ang modus operandi ay pekeng pera, maugong din sa naturang lungsod ang talamak na illegal na droga.

Mayroon ng nahuli ang operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at mga kawani pulisya na pitong miyem­bro ng naturang sindikato, na lahat ay may apelyido uma­nong Tinga. (Mer Layson)

DANNY MACAT

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JOHN GREGORIO

MER LAYSON

PATEROS CHIEF POLICE SUPT

PATEROS POLICE

SHY

TAGUIG

TAGUIG CITY HALL

TAGUIG CITY MAYOR FREDDIE TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with