^

Bansa

Polling precinct para sa mga preso itatayo

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Diringgin ng Commission on Elections ngayong araw ang petisyon ng Commission on Human Rights na humihiling na magtayo ng special polling places para sa mga preso sa buong bansa.

Sa nasabing pagdinig, ilalahad ng CHR sa pa­ngunguna ni Commissioner Leila de Lima ang kaniyang mga argumento kung bakit kinakailangang makapagtayo ng mga polling precincts sa loob o di kaya ay malapit sa mga bilangguan.

Nabatid na gusto ng CHR na makapaglatag ng alituntunin ang Comelec para mahikayat ang mga preso na makaboto at mapagtibay ang karapatan ng nasa 23,000 na bi­langgo na makaboto.

Una nang inihain ng CHR ang nasabing petis­ yon sa Comelec para hilingin ang pag-set up ng mga polling precincts sa mga kulungan.

Ayon sa CHR, sa ilalim ng Section 117 ng Omnibus Election Code, may karapatan pa ring maka­boto ang mga preso.

Sa ilalim ng Voters Registration Act of 1996, tanging ang mga bilanggo na nahatulan na sa anu­mang krimen ang inaalisan ng karapatang makaboto. 

AYON

COMELEC

COMMISSIONER LEILA

DIRINGGIN

HUMAN RIGHTS

NABATID

OMNIBUS ELECTION CODE

SHY

VOTERS REGISTRATION ACT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with