^

Bansa

Comelec kukuha ng 400,000 guro para sa 2010 elections

-

MANILA, Philippines - Dahil sa automated election, 400,000 guro na lang ang kukunin ng Commission on election para gawing Board of Election Inspectors para sa nala­lapit na 2010 pre­ sidential election.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Ji­menez, mula sa 900,000 na BEI ay ibinaba na     lang ito sa 400,000 dahil sa clustering ng mga pre­sinto, kung saan ngayon ay may 72,000 presinto sa bansa at inaasahang mag­babago pa ito dahil sa pa­tuloy na paglilinis    ng voter’s list. Gayunman, aminado ang Comelec    na sa nga­yon ay hindi pa rin nito na­ta­talakay kung magkano ang bayad sa mga guro.

Ayon kay Comelec Com­missioner Gregorio Larrazabal, magtatalaga ng pitong BEI sa bawat      li­mang clustered precinct at isang Precinct Count Optical Scan machine naman sa pitong presin-    to na sasakop sa 1,000 botante.

Ikinagalak din ng Co­me­lec ang katuparan ng automation election dahil hindi na mahihirapan at manganganib ang buhay ng mga guro sa tuwing sa­sapit ang election. (Doris Franche)

AYON

BOARD OF ELECTION INSPECTORS

COMELEC

COMELEC COM

COMELEC SPOKESPERSON JAMES JI

DORIS FRANCHE

GREGORIO LARRAZABAL

PRECINCT COUNT OPTICAL SCAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with