^

Bansa

MV Princess of the South wala raw security certificate, Marina kinastigo!

-

MANILA, Philippines - Muling kinastigo kahapon ng United Filipino Seafarers ang Maritime Industry Authority dahil sa pagpapahintulot umano nito sa MV Princess of the South ng Sulpicio Lines na muling makapaglayag sa karagatan nang walang kaukulang security certificate.

Sa kanyang liham sa board ng Marina, ipinali­wanag ni UFS President Nelson Ramirez na hindi lang kapakanan at kaligtasan ng mga barko ang kanyang inaalala kundi pati na rin sa mga tripulante nito.

Kaugnay nito, hinahanap ni Ramirez ang isang kopya kung meron man ng National Ship Security Certificate dahil nabalitaan niyang padaskul-daskul na ginawa ang sinasabing pagpapalabas ng dokumento na tulad ng naunang ship safety certificate na ipinalabas nang wala sa tamang panahon ng regional office ng Marina sa Cebu para sa MV Princess of the South.

Sinabi ni Ramirez na hindi pa dapat alisin ng Marina ang suspensiyon na ipinataw nito sa MV Princess of South at sa iba pang barko ng Sulpicio Lines habang hindi pa ito nakakasunod sa mga safety requirements.

Sinimulang ipataw ang suspension mula nang lumubog ang isa pang barkong MV Princess of Stars ng Sulpicio noong Hunyo 21, 2008.

Bukod dito, pinaniniwalaan ni Ramirez na hindi pa nabibigyan ng Sulpicio Lines ng hustisya ang mga biktima ng paglubog ng MV Princess of Stars. (Butch Quejada)

BUTCH QUEJADA

MARITIME INDUSTRY AUTHORITY

NATIONAL SHIP SECURITY CERTIFICATE

PRESIDENT NELSON RAMIREZ

PRINCESS OF SOUTH

PRINCESS OF STARS

PRINCESS OF THE SOUTH

RAMIREZ

SULPICIO LINES

UNITED FILIPINO SEAFARERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with