^

Bansa

SB, Duterte atbp. Liberal na

-

MANILA, Philippines - Bumuhos na ang su­porta ng maraming local executives na miyembro ng Lakas-Kampi-CMD sa tam­ balang Noynoy Aqu­ino-Mar Roxas ng partido Liberal para sa 2010 presidential polls.

Partikular na inendorso ng mga opisyal mula Luzon hanggang Minda­nao ang kandidatura sa pagka-bise presidente ni Sen. Mar Roxas.

Kabilang sa nag-en­dorso sa tambalang Aquino-Roxas sina Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte, Tagum City Mayor Rey T. Uy at Davao del Norte Gov. Rodolfo “Om­ pong” del Rosario.

“Lumalaki na ang ating puwersa. Nadadagdagan tayo ng nadadagdagan. Patunay lamang ito ng du­marami pa nating mga ka­ba­bayan na pagod na pagod na sa kabulukan ng ating sistema,” ayon kay Roxas.

Kasamang nanumpa kahapon sa LP sina Que­zon City Mayor Feliciano Bel­ monte, anak na si Joy, Que­zon City Vice Mayor Herbert Bautista at Caloo­can City Mayor Enrico Echiverri.

Sa kanyang talumpati, inamin ni Mayor Belmonte na siya ay nahirapan nang magdesisyon na lumipat ng LP mula Lakas CMD.

Sinabi ng Alkalde na ikinararangal niyang mag­silbi sa pamahalaan ng ma­higit 26 na taon. Ang una ay nang siya ay isang ba­ tambatang abogado may 47 taon na ang naka­raraan na nasa ilalim noon ng Libe­ral party administration.

Ang huling 23 taon anya ay sa ilalim ng ibat ibang Pangulo ng bansa at nagsimulang makaisang dibdib ng Lakas CMD mula 1992, ang partido na pi­nagsilbihan niya ng husay sa pamamagitan ng transitions.

Kasabay nito, pormal na inihayag ni Belmonte ang pagkandidato niya bilang kongresista ng Quezon City sa halalan sa 2010. Si Bau­ tista naman ang tatakbong alkalde ng lunsod habang kandidato nitong vice mayor si Joy na anak ni Belmonte at pangulo ng QC Ladies Foundation.

Gaya ni Belmonte, por­mal na ring nanumpa ka­ha­pon si Echiverri bilang opisyal na kandidato ng LP.

Pinamumunuan ni Echi­verri ang ikatlong pinaka­malaking siyudad sa Ka­may­nilaan kung populasyon ang pag-uusapan. Bitbit din ng alkalde sa LP ang iba pang opisyal ng lungsod.

Nauna rito, nagpulong ang Partido Plaridel ni dating Bulacan Gov. Josie de la Cruz at iniwan na rin ang administrasyon upang sumali sa LP. (Malou Escu­dero/Angie dela Cruz)

BELMONTE

BULACAN GOV

CITY MAYOR ENRICO ECHIVERRI

CITY MAYOR FELICIANO BEL

CITY VICE MAYOR HERBERT BAUTISTA

CRUZ

DAVAO CITY MAYOR RODRIGO

LADIES FOUNDATION

MAR ROXAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with