MANILA, Philippines - Idiniin kahapon ng mga opisyal ng National Agribusiness Corp. na walang bahid ng anumang anomalya ang P455.2-milyong kontrata sa pagbili ng 98 yunit ng multi-functional ice-making machines na bahagi ng pinaigting na programa ng Department of Agriculture para paramihin ang kanilang mga postharvest facilities at ang public bidding na ginawa para dito ay sumunod sa lahat ng proseso na itinatakda ng batas.
Ayon sa tagapagsalita ng NABCOR na si Ka thyrin Pioquinto, nagkamali ang nagreklamo sa Ombudsman sa pagkukumpara ng state-of-the-art multi-function machines na isinuplay ng nanalong bidder na Integrated Refrigeration System and Services, Inc. sa tradisyunal na single-purpose ice-making equipment na iniaalok ng ibang mga kumpanya na umatras din naman sa bidding.
Kinuwestyon ni Pioquinto ang hakbang ng isang Allan Ragasa na isali maging si Agriculture Secretary Arthur Yap sa mga kinasuhan.
Aniya, ito’y isang “publicity stunt” dahil wala namang kinalaman ang kalihim sa proyekto dahil hindi naman siya opisyal o direktor ng Nabcor.
Sinabi rin ni Pioquinto na sa pagsasampa ng reklamo ni Ragasa, ang Nabcor ay magkakaroon ng oportunidad na patunayan ang dalawang punto - (1) ang legalidad at kalantaran ng proseso ng bidding, at (2) ang superyoridad ng multi-functional equipment ng IRSSI.