^

Bansa

4 Customs brokers kinasuhan

-

MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong kriminal sa Bureau of Customs ang apat na Customs brokers, limang opisyal at em­pleyado ng isang pri­badong kumpanya at tat­long iba pa dahil sa uma­no’y pagkakasangkot nito sa illegal na importasyon ng ibat-ibang uri ng kagamitan.

Kasong paglabag sa Tariff and Customs Code of the Philippines ang isinam­pa laban kina Antonio Vina­villes, may-ari ng 210 Enterprises at Merelyn Pacheco, Licensed Customs Broker, dahil sa uma­no’y illegal na importasyon ng elephant tusks na nagkakahalaga ng P200m.

Kasama din nakasuhan sina Roselyn Uchida, may-ari ng Uchida General Merchandise at Randolph Oja­les, Licensed Customs Broker dahil sa umao’y pagpu­puslit ng 3,000 ceramic tiles na nagkakahalaga ng P500,000.

Sina Lesley To Chip, may-ari ng Cebu PSI Hose Center at Agapito Mendez, Jr., Licensed Customs Broker, ay sinampahan ng na­sabing kaso dahil sa illegal na impor­tasyon ng 724 piraso na Airsoft guns, na nagkakahalaga ng P2.2 million.

Sinabi naman ni BoC Commissioner Napoleon Morales, na isinulong ang nasabing kaso para na rin sa pagbibigay ng suporta sa kampanya ni Pangulong Arroyo laban sa smuggling kundi pati na rin ang pagbibigay protek­siyon sa mga lehitimong negos­yante. (Butch Quejada)

AGAPITO MENDEZ

ANTONIO VINA

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

COMMISSIONER NAPOLEON MORALES

HOSE CENTER

LICENSED CUSTOMS BROKER

MERELYN PACHECO

PANGULONG ARROYO

RANDOLPH OJA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with