COC filing simula na bukas

MANILA, Philippines - Nagbabala ang Commission on Elections (Co­ melec) na  dapat nang ali­sin ng mga kandidato ang kanilang mga commercial at advertisement sa san­daling maghain ng kanilang certificate of candidacy na magsisimula bukas, Nob­yembre 20.

Ayon kay Comelec Commissioner Rene Sar­miento, hindi umano nila papayagan ang mga puli­tiko na tumakbo sa halalan kung patuloy sa pag-ere ang kanilang mga infome­rcials.

Sinabi ni Sarmiento na posibleng makasuhan ng premature campaigning ang sinumang lalabag at batayan ng kanilang  disku­walipikasyon.

Ang filing ng COC ay mula Nobyembre 20 hang­gang  Disembre 1, habang ang campaign period ay magsisimula  tatlong bu­wan bago ang halalan sa national candidates habang 45 araw naman bago ang eleksiyon sa local candidates.

Binigyan-diin din ni Sarmiento na hindi din maaaring mag-promote ang mga kandidato sa pamamagitan ng tarpaulin dahil maituturing na rin umano itong pangangam­panya.

Tiniyak din ni Sarmiento na nakamo­nitor ang kani­lang tangga­pan at maging ang mga may season’s greeting ay kanilang ipag­babawal. Ani­ya hindi dapat na samanta­lahin ng mga pulitiko ang holiday season.

Samantala, sinabi na­man ni Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal na pinapayagan pa ring lumabas sa telebisyon ang mga artistang tatakbo sa halalan. Subalit kailangan lamang pawang trabaho ang gagawin nito at hindi pangangampanya sa TV.

Kailangan umanong maging maingat ang mga artistang sasabak sa elek­siyon dahil, sinusubay­ba­yan ito ng komisyon kung pangangampanya o hindi ang kanilang paglabas sa telebisyon. (Doris Franche)

Show comments