^

Bansa

PAGC chair 'di sisibakin

-

MANILA, Philippines - Hindi patatalsikin bi­lang chairman ng Presidential Anti-Graft Commission si Constancia de Guzman matapos hindi tanggapin ni Pangulong Arroyo ang kanyang pagbibitiw.

Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, ma­laki ang tiwala ni Pa­ngulong Arroyo kay de Guzman sa kabila ng alegasyong ne­potismo laban dito matapos na kunin ang kanyang anak bilang confidential executive assistant at ang pa­mangkin bilang confidential technical assistant habang ang girlfriend ng kanyang anak bilang executive director.

Gayunman, iniutos pa rin ng Pangulo sa National Bureau of Investigation na imbestigahan ang naturang alegasyon. Iginiit pa rin ni de Guzman na wala siyang nilabag na anumang batas sa ilalim ng Civil Service Law sa pagtatalaga sa kan­yang anak at pamangkin, bag­kus ay naging sensitibo lang aniya ang publiko hinggil dito.

Malaki ang paniniwala nito na ilang nasibak na empleyado ang nagpa­labas ng white paper la­ban sa kanya. (Rudy Andal)

AYON

CIVIL SERVICE LAW

CONSTANCIA

GUZMAN

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PANGULONG ARROYO

PRESIDENTIAL ANTI-GRAFT COMMISSION

PRESS SECRETARY CERGE REMONDE

RUDY ANDAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with