Gibo namaalam sa DND
MANILA, Philippines - Labing apat na araw bago ang pormal na pagsusumite ng Certificate of Candidacy sa Commission on Elections, tuluyan nang nagpaalam kahapon sa defense at military establishment matapos na bumaba na sa puwesto si dating Defense Secretary Gilberto “Gibo’ Teodoro .
Nagbitiw sa puwesto si Teodoro upang ipursige ang kaniyang pagtakbong pangulo bilang standard bearer ng ruling Lakas-Kampi-CMD kaugnay ng gaganaping 2010 national elections .
Noong nakaraang Biyernes ay inihayag ni Teodoro na ang aktor-tv host na si Edu Manzano ang kaniyang running mate habang binubuo na rin ang Magic 12 o ang bubuo sa 12 senatoriables sa kanilang partido na nakatakdang ihayag sa susunod na mga araw.
Inaasahan namang tututukan na ni Teodoro ang pangangampanya sa pagpasok ng election period sa Enero ng susunod na taon kung saan uunahin na nito ang pagsusumite ng kaniyang COC sa Comelec .
Sa turnover ceremony sa Camp Aguinaldo, isinalin ni Gibo ang puwesto kay National Security Adviser Norberto Gonzales. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending